top of page

BALITA: TIGIL PASADA SA DEC. 14 AT 15, IKAKASA NG PISTON

  • Feb 28, 2024
  • 1 min read

Inanunsyo ng Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Opereytor Nationwide (PISTON) noong ika-11 ng Disyembre ang pagsasagawa ng dalawang araw na transport strike simula bukas, hanggang ika-15 ng Disyembre. Ang tigil-pasada ng PISTON ay pagbusina sa nalalapit na deadline para sa pagkonsolida ng prangkisa ng mga public utility jeepneys sa Disyembre 31.


Sa isang pahayag, sinabi ni PISTON President Mody Floranda na aabot sa 100,000 mga driver at operator ang makikiisa sa tigil-pasada at mobilisasyon.


“We can paralyze (Metro Manila). What we are saying is that modernization is not a law, it is just an executive order,” dagdag pa niya.


Ang mga lugar na may tigil-pasada ay Commonwealth, Quezon City, Monumento, Caloocan, Pasig, Alabang, Baclaran, España Blvd., Manila, at Rizal.


Sa kabila nito, nanindigan ang Department of Transportation (DOTr) na hanggang Disyembre 31 na lamang makakabiyahe ang mga “unconsolidated jeepney” sa bansa.


Kaugnay nito, magsasagawa rin ng pagtitipon ang mga grupong sumusuporta sa Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP) na niraratsada ng gobyerno, para mahikayat ang mga driver at operator na hindi pa nakasasali sa mga kooperatiba. Dagdag pa ni Transportation Secretary Jaime Bautista, tanging PISTON at Manibela lamang ang grupong hindi sumusuporta at kontra sa PUVMP.


Artikulo ni Jordan Gutierrez

Layout ni Anisah Hadji Salic

Larawan mula sa The Manila Times




 
 
 

Comments


bottom of page