top of page

BALITA: MRT Line 7, patuloy na isinasagawa

  • Feb 28, 2024
  • 1 min read

Sa inaasahang paglunsad ng Metro Rail Transit Line 7 (MRT-7), tinatayang maging ganap na operasyonal at bukas sa publiko ito sa Nobyembre 2025, ayon sa ulat ng Department of Transportation (DOTr) noong ika-7 ng Nobyembre 2023.


Batay sa datos na inilabas ng DOTr, umabot na ang nasabing proyekto sa 63.28 porsyento sa buwan ng Oktubre.


Sa kasalukuyan, patuloy ang pagsasanay ng mga manggagawa upang mapanatili ang kalidad at kahusayan ng serbisyong inaasahang ibibigay ng MRT-7.


Ayon sa DOTr, layunin ng proyekto na magbigay ng mas mabilis at komportableng biyahe para sa mga komyuters, at inaasahanng magreresulta sa pagbawas ng oras ng biyahe mula sa karaniwang dalawa hanggang tatlong oras patungo sa tatlumpu’t limang minuto na lamang.


Ang 22-kilometrong linya ng riles ay mayroong 14 na istasyon: Quezon-North Avenue Joint Station, Quezon Memorial Circle, University Avenue, Tandang Sora, Don Antonio, Batasan, Manggahan, Doña Carmen, Regaldo, Mindanao Avenue, Quirino, Sacred Heart, Tala, at San Jose Del Monte (SJDM).


Artikulo ni Joanna Luiza Fajardo

Layout ni Anisah Hadji Salic

Larawan mula sa Philippine News Agency





 
 
 

Comments


bottom of page